Paano Inilarawan Ni N. Gregory Mankiw Ang Kakapusan?
Paano inilarawan ni N. Gregory Mankiw ang kakapusan?
Answer:
Explanation:
Ang Kakapusan sa Pang-araw-araw na Buhay Inilarawan ni N. Gregory Mankiw (1997) ang kakapusan bilang isang pamayanan na may limitadong pinagkukunang-yaman na hindi kayang matugunan ang lahat ng produkto at serbisyo na gusto at kailangan ng tao. Ang katulad nito ayon sa kaniya ay isang pamilya na hindi kayang ibigay sa bawat miyembro nito ang lahat ng kanilang kailangan. Katulad ng isang pamilya, hindi rin maibibigay ng pamayanan ang lahat ng pangangailangan ng lahat ng tao.
Sa pagharap sa suliraning pang-ekonomiya, mahalagang pag-isipan ang opportunity cost ng gagawing desisyon. Alin sa mga pamimiliang produkto ang gustong likhain? Para kanino ang mga ito? Alin ang higit na kailangan? Paano ito lilikhain? Ano ang kabutihang maidudulot ng pagpili? Saang alternatibo higit na makikinabang? Gaano kalaki ang halaga ng pakinabang? Gaano kalaki ang halaga ng mawawalang oportunidad? Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon (Case, Fair at Oster, 2012).
Sa paggawa ng desisyon, makatutulong ang pagkakaroon ng plano ng produksiyon at masusing pag-aaral kung saan higit na makikinabang. Pagtuunan ng pansin ang mga alternatibong produkto o serbisyo at timbangin ang kahalagahan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kung magiging episyente ang plano ng produksiyon at ilalagay ito sa graph, maaaring makalikha ng isang kurba katulad ng inilalarawan sa Production Possibilities Frontier (PPF). Ito ang paraan upang mapamahalaan ang limitadong kalagayan ng pinagkukunang-yaman.
Comments
Post a Comment