"Hindi Lingid Sa Kaalaman Ni Alfred Ang Mga Naging Puhunan Ng Kaniyang Mga Magulang Sa Negosyong Ipinundar Simula Noong Bata Pa Siya Hanggang Sa Kasal
"Hindi lingid sa kaalaman ni Alfred ang mga naging puhunan ng kaniyang mga magulang sa negosyong ipinundar simula noong bata pa siya hanggang sa kasalukuyan kung kaya sila ngayon ay maginhawa at nakapagtapos lahat ng pag-aaral sa kolehiyo. Siya ang saksi sa kasipagan at pagiging bukas-palad ng kaniyang mga magulang. Sa kaniyang propesyon ngayon dala niya ito lalo na kapag may mga mahihirap siyang pasyente sa probinsya kapag nagdaraos sila ng medical mission. Anong pansariling salik ang naging gabay ni Alfred sa pagpili ng kurso?a. hilig b. pagpapahalaga c. katayuang pinansyal d. kasanayan"
Answer:
B. pagpapahalaga
Explanation:
Pagpapahalaga dahil mulat sapol alam na niya ang hirap ng kanyang mga magulang upang sila ay mapagtapos ng pag aaral,at umunlad ang kanilang buhay,kaya naman pinapahalagahan niya ang mga iyon sa pamamagitan ng pagtulong din niya sa kanyang kupuwa lalo na sa kanyang mga pasyenteng mahihirap, mas mabuti ang mga taong merong pagpapahalaga sa kanyang kapuwa, at laging bukas palad na tumulong sa iba. kaya kung anuman ang meron ka matutong ibahagi ito sa iba huwag maging maramot, katulad ng ginawa ni Alfred pinahalagahan niya ang kasipagan at pagiging bukas palad ng kaniyang mga magulang sa pamamagitan ng pagtulong din niya sa mga nangangailangan. Code 9.24.1.13
buksan para sa karagdagang kaalaman
kahalagahan ng pagpapahalaga brainly.ph/question/2065821
ano ang pagpapahalaga brainly.ph/question/1110162
pagpapahalaga sa pamilya brainly.ph/question/937313
Comments
Post a Comment