Anu Ang Kanser Sa Lipunan Ng Kabanata 62 Sa Noli Me Tangere
Anu ang kanser sa lipunan ng kabanata 62 sa noli me tangere
Noli Me Tangere
Kabanata 62: Ang Pagtatapat ni Padre Damaso
Kanser ng Lipunan:
Ang pagkukubli ng damdamin ng isang ama ang kanser ng lipunan na ipinapahayag sa kabanatang ito. Ang mga karaniwan ay hindi masalita sa kung ano ang kanilang saloobin pagdating sa mga pasya ng anak subalit sa kalooban nila pilit nilang itinatago ang sakit, pait, galit, o inis lalo pa kung ang pasya ng anak ay taliwas sa pasya ng ama. Sa kabanatang ito mababasa na ang nararamdaman na lungkot ni Maria Clara ay doble ng pagsisisi at lungkot ng ama. Napagtanto niya na sa kanya nagmula ang lahat ng sama ng loob ni Maria Clara.
Hindi naging madali para kay Padre Damaso na makitang nagdaramdam ang anak sa pagkawala ng kanyang kasintahan. Bukod dito, hindi rin niya nais na pumasok sa kumbento si Maria Clara sapagkat mauulit lamang sa kanya ang karanasan ng kanyang ina. Matatandaan na si Donya Pia Alba ay pinagsamantalahan ni Padre Damaso kaya ito naglihi at nagkaroon ng supling. Batid niya na maaaring danasin din ito ni Maria Clara lalo pa nga at tahasan ng nagpapakita ng interes sa dalaga ang kura na si Padre Salvi. Tulad niya, maaari ring makagawa ng paraan si Padre Salvi na isagawa ang maitim na balak nito kay Maria Clara.
Read more on
Comments
Post a Comment