Ano Ang Dalawang Hayop Sa Lumang Tipan Na Nagsalita Sa Tao (Gen.3:1-4,Bilang 22:28-30)
Ano ang dalawang hayop sa lumang tipan na nagsalita sa tao (gen.3:1-4,bilang 22:28-30)
Sa Genesis 3:1-4 ang nagsasalitang hayop ay isang ahas. Pero talaga nga bang may kakayahan ang isang ahas na gawin iyon? At ano ba ang inihatid niyang mensahe?
Alam nating hindi nilikha ang anumang hayop upang magsalita. Tanging ang tao lamang sa lupa ang may kakahayahang magsalita bilang komunikasyon. Kaya sino ang isa na nasa likod niyaon? Malalaman natin iyan sa mimong usapang naganap. Ayon sa ulat, binabaliktad ng ahas na ito ang kung ano na ang nauna nang utos na ibinigay ng Diyos kina Adan at Eba. Nang sabihin ng Diyos na huwag kayong kakain ng bunga ng punong-kahoy na nasa gitna ng hardin, sinabi ng ahas " tiyak hindi kayo mamamatay". Ito ay ang kabaligtaran mismo ng sinabi ng Diyos na resulta.
Biruin mo, isang ahas ang nakapanlinlang sa isang sakdal na tao? Siyempre pa, alam nating mayroong nakahihigit sa isip-ahas upang makagawa nito. Nais ng ahas na ito na linlangin ang babae. At iyon nga nangyari. Isiniwalat ng Apocalipsis 12:9 kung sino siya Kaya inihagis ang malaking dragon, ang orihinal na ahas, ang tinatawag na Diyablo at Satanas, na nagliligaw sa buong mundo . . . Siya ay si Satanas na Diyablo. At gaya ng isang mahusay na puppet show, kaya din ni Satanas na pagsalitain ang ahas gamit ang boses niya.
Ang ikalawang hayop na napaulat sa Bibliya na nakapagsalita ay ang isang asno. Ito ay nakaulat sa Bilang 22:28-30. Gaya ng nabanggit na, wala naman talagang kakayahan ang isang hayop na magsalita. Kaya iisipin mo, sino ang nasa likod ng boses ng asno na ito at ano ang kaniyang mensahe?
Ang talata 22 mismo ang nagsabi na ang nagpangyaring makapagsalita ito ay ang Diyos. Ang asno ay pagmamay-ari ng isang bulaang propeta, Si Balaam. Siya ay patungo sana sa harap ng bansnag Israel upang magbitwa ng sumpa para mapahamak sila. Pero binigyan ng Diyos ng mga mata ang asno upang makita ang isang espirituing anghel na may dalang tabak.
Hindi na umusad pa sa paglakad ang asno, kung kaya sa inis ni Balaam ay pinaghahagupit niya ito. Dito na nagsalita ang asno. "Ano ba ang ginawa ko sa iyo at tatlong beses mo na akong pinapalo?" Ipinaliwanag ng asno na iniliigtas lamang niya ang kaniyang amo mula sa kapahamakan sa harap nito.
Bakit pinangyari ng Diyos na magsalita ang asno? Maliwanag ang sagot. Upang babalaan si Balaam sa masamang balak nito. Na ang bansang Israel ay pinangangalagaan Niya. At nagkatotoo nga. Dahil imbes na sumpa ang masambit niya, pagpapala pa.
Comments
Post a Comment