Ano Ang Aral Mo Sa Kabanata 20 El Felibostirismo 10

Ano ang aral mo sa kabanata 20 El felibostirismo 10

Ang ika-20 kabanata ng El Filibusterismo ay ukol kay Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteheredondo. Siya ay tanyag sa bansag na Buena Tinta. Nakapag-asawa siya ng mayaman kung kayat kahit kulang sa kaalaman, siya ay nakapagnegosyo at tumanggap ng ilang gawain mula sa pamahalaan.

May paniniwala si Don Custodio na ang taoy pinanganak upang mag-utos o di kaya ay sumunod. Sa kanyang palagay, ang mga Pilipino ay ipinanganak upang maging tagasunod lamang at maging utusan.

Ipinakita ni Rizal sa parteng ito ng El Filibusterismo na ang tao ay pantay-pantay, anuman ang kanyang kulay o katayuan sa buhay. Hindi sapat na dahilan na ikaw ay may kulay kayumangging balat o isang Pilipino para magkaroon ng mababang katayuan sa lipunan.

Likas sa ating mga Pilipino ang humanga sa banyaga, ngunit sa kabilang banda, kaya din naman nating gawin ang ginagawa nila at kung minsan nga ay higit pa. Huwag nating maliitin ang lahing Pilipino.


Comments

Popular posts from this blog

Saang Lugar Nag Pupunta Ang Ibang Kasapi Sa Taiwan

What Is A Tropical Storm?

Explain The 3 Laws Of Motion